In Loving Memory of my Dad....

Ito ang picture ng Daddy ko noong grumaduate siya sa The National Teachers College. Kamukha ko pala siya talaga noong binata siya!

Ito naman ang picture niya noong pumunta kami ng Baguio.

Kaunti lang sa mga bloggers na textmates ko ang nakaalam sa nangyari sa Daddy ko. Until now, hindi ko pa rin alam ang lahat and hoping na natutulog lang ako.

Kagagaling lang ng Mommy ko ng Manila kasi inoperahan ng TAHBSO last March 13, 2009 (Friday) siya sa Chinese General Hospital. Saturday night sila umuwi ng Tita ko sa Mindoro (hindi ako kasama dahil sa Monday ay kuhanan ng grades at sa Wednesday ay enrollment naman) sakay ng isang door-to-door van. Nagpadala ako ng 2 pairs of lovebirds at 2 pairs of pugo na pasalubong sa Daddy ko. Lagi kasing bilin 'yun ng Daddy ko kasi libangan naming dalawa 'yun kapag nasa province ako.

It was Monday 4:30am when I recieved a text message from my Mom. Syempre kinabahan ako nung nabasa ko na - "Anak, kung wala ka nang masyadong gagawin diyan sa Manila, umuwi ka muna. Kritikal ang Daddy mo". Hindi na ako nakatulog noon pero hindi naman ako makareply kasi wala akong load. Nagdasal na muna ako na sana ay ironic lang ang pagkakatext ng Mom ko. Nang bandang 6:30am na ay bumaba na ako ng bahay at naligo at pagkatapos noon ay nagbihis na para pumasok sa school to get my grades.

Pababa na ako ng bahay when my cousin (nag-iisang kasama ko sa bahay) approached me and said, "Condolence Mac. Patay na raw ang Daddy mo". I don't know paano ako magrereact sa mga nangyari. I just gave him a wry smile... I don't know. Hindi ako makareact. Nagulat of course at hindi ko na alam ang hitsura ng mukha ko. Tumawag si Ate Carol (pinsan ko na malapit lang ang bahay sa amin) na dumaan muna sa kanila. Nangangatog ako na pumunta sa kanila at nakita ko ang Tita ko paglapit ko na nag-iiyak na. Hindi ko na napigilan ang emosyon ko. Talagang napaiyak ako. Para akong walang pakiramdam na nag-iiyak. I don't know, lutang ang utak ko.

Nagload muna ako at nag-taxi na lang ako papasok ng school. Humahagulhol ako sa taxi papunta sa school. Calm down muna ako sa pagtawag sa Mommy ko. Control ko muna emotion ko kasi ayoko lalong malungkot ang Mom ko lalo na't sariwa pa ang sugat niya dahil sa operation - TAHBSO. Ibinigay ko na lang sa mga classmates ko ang kanilang mga clearance at pumunta na ako ng Dangwa para bumili ng mga bulaklak for my Dad pati na rin ang mga kandila.

Kinalma ko muna ang sarili ko. Syempre kailangan ko pang bumili ng mga bulaklak at saka mga kandila. 7:00pm ng Monday (March 23, 2009) nang umalis ako ng bahay sa Mandaluyong na may dalang 2 bag at 2 bungkos ng mga bulaklak at kandila. Hirap akong magdala pero okey lang. Kailangan ko pang magcommute kasi wala namang schedule ng door-to-door that time.

Habang nasa bus ako papuntang Batanggas Pier hanggang sa barko papuntang Abra Pier at habang nakasakay sa Van pauwi sa amin sa Paluan ay hindi ko mapigilang umiyak. Hanggang sa makarating na ako ng bahay namin.

Talagang nanginginig akong pumasok sa bahay. Sa tarangkahan namin ay una kong nakita ang Tito Omie (pinakabatang kapatid ng Mom ko), nagmano ako at dere-derecho sa loob ng bahay. Hindi ko muna tiningnan 'yung kabaong at dumerecho ako sa Mom ko sa taas. Doon ako napaiyak habang kayakap ko ang Mom ko. Bumigay na talaga ako.

"Pinipilit kong ngumiti para ipakita sa Mommy ko
at mga taong dumadalaw na okey lang ako pero ang hirap pala.
Kasi sa tuwing ngumingiti ako, nararamdaman ko
lalo ang sakit sa pagkawala ng Daddy ko.
Siya kasi lagi ang kakampi ko at talagang laging mas nakakaintindi sa akin."

Sa Mommy ko na lang nalaman na Heart Attack (Myocardial Infarction) ang kinamatay ng Daddy ko. Maraming beses na kasi talagang nangyayari 'yun kahit noong nasa Mindoro pa ako. This time siguro ay hindi na nakayanan ng kanyang katawan. Masakit, OO masakit! Pero alam ko na lumaban ang Daddy ko kay kamatayan for us.

Buong araw akong nakatingin lang sa malayo. Hindi ko pa rin tinitingnan ang mukha sa kabaong ng Daddy ko. Talagang hanggang sa time na 'yun ay in-doubt ako na patay na ang Dad ko. I kept on asking why? How? What happened?....... At ang sakit ng ulo ko dahil 'dun. Maghapon ko rin tinrabaho ang pagaarrange ng mga binili kong fresh flowers.

Lahat na lang 'ata ng testimonials about my Dad mula sa mga dumadalaw ay pinakinggan ko. My brother and my sister from Abhu Dhabi and Dubai (respectively) ay nagpaalam sa kanilang mga work at dumating noong Thursday (March 26, 2009). Napahagulhol talaga kaming tatlo.

Mga kabataan from YE Organization ay nakiramay at nakidasal din for my Dad.

Hindi pa nga ako nakilala ng Ate ko nung niyakap ko siya. Kasi naman, sobrang patpatin pa ako noong huli niya akong nakita. Marami na talagang nagbago.

Iginala ko sila sa bakuran namin para malaman nila ang mga pinagbago ng aming bahay. Ipinakita ko sa kanila ang bagong gawang (January 2009) malaking hawla ng lovebirds at spanish dove na alaga namin ng Daddy pati na rin ang bagong pagawang silyon (rocking chair) ng Daddy ko na wala pang 1 month niyang nagagamit pati na rin ang mga alaga naming mga manok.

Nagbantay naman din ako sa gabi for my Dad. At para hindi makatulog, tiningnan ko lahat ng mga pics namin dati pa. Family pictures baga!

Friday ko na tinitigan ang mukha ng Daddy ko. Tama nga ang Ate ko sa sinabi niyang, "Parang natutulog lang ang Daddy". Hanggang ngayon kasi ay talagang iniisip ko na nananaginip lang ako at buhay pa ang Daddy ko. Denial pa rin ako sa mga nangyayari.

Supposed to be ay Saturday (March 28, 2009) ng 2:00pm ang libing ng Daddy ko pero ginawang 9:00am ng umaga dahil sa may schedule ang pari. Iisa lang kasi ang pari sa parokya namin at mga lay minister na.
Mainit ang araw ng 12:30pm nang matapos ang misa at saka ang konting programa para sa Daddy ko. Pero hindi ko na talaga maiwasang umiyak. Yakap-yakap ko ang Mommy ko hanggang sa makarating kami sa sementeryo. Hindi ko alam ang gagawin ko. Kung ano-ano na ang mga naiisip ko kasi ipapasok na ang Daddy ko sa nitso nito. Iyak ako ng iyak at sigaw ng sigaw nang walang pakialam habang yakap-yakap ko ang Mommy ko.

Ang hirap talaga! Kahit anong gawin ko para sumaya ay hindi ko magawang makangiti. Feeling ko ay pagod na pagod na ako at wala nang lakas. Lahat na lang ay puro masasayang ala-ala ng Daddy ko.

Ngayon (March 30, 2009), nasa Manila na ako. Kadarating ko lang ng 2:30 ng madaling araw kanina at natulog lang ako ng sandali at gumising ng 6:00am para pumunta ng school para umattend ng orientation at nag-enroll na rin. Pinayagan ako ng Mommy na umalis na ng Mindoro kasi nga walang excuse kapag orientation. NO ORIENTATION, NO DUTY pa rin ang pinatutupad ng school ko kaya pinayagan ako ng Mommy ko na umalis na kahit hindi pa nagpapasiyam ang Daddy ko. Sana naman, maintindihan 'yun ng Daddy ko.

Sa school kanina, nagtaka silang lahat sa pagiging tahimik ko. Sabi ko sa kanila, "Pasensya na, wala kasi ako sa mood". Sanay kasi silang bubbly ako sa lahat.

Sa Saturday (April 04, 2009) ay babalik ako ng Mindoro. Hihintayin ko na lamang ang Ate ko na babalik ng Dubai sa April 02, 2009 at ako na ang maghahatid. I am hoping na may makasama ako papuntang Mindoro para doon magspend ng Holy Week. Kailangan ko kasing samahan ang Mom ko. I think, makakatulong sa recovery namin ang magkaroon ng bagong kakilala. Nag-iisip din ako ng penitensya na gagawin ko this Holy Week at dahil hindi pwede ang Mom ko na umalalay sa akin, 'yung bisita ko sasama sa akin. Para makaexperience rin ang kasama ko ng tunay na penitensya ng Mindoro.

24 comments:

I am sorry to hear about that. I am really speechless.

Spend time with your mom. Malaking tulong iyon. Er, I don't know what to say. Condolence.

I know your dad is okay. Masaya siya, for sure, dahil kasama niya na si Big Boss. I am sure, he will look over you, your mom, and your siblings.

Time will be your friend. Again, condolence to you and your family.

Ax
March 30, 2009 at 5:26 AM comment-delete

Condolence, Richard...

Sa mga panahon ngayon, kailangang-kailangan ka ng Mommy mo. Kaya kailangan mong magpakatatag. Magdasal ka palagi.

RJ
March 30, 2009 at 5:58 AM comment-delete

magpakatatag ka lang dahil andyan pa si mommy mo..condolence na lang sayo...alam ko na mahirap mawalan ng ama pero lahat naman tayo dun pupunta, una una lang naman..nakikiramay ulit ako..

pet
March 30, 2009 at 6:04 AM comment-delete

my condolences goes to you and your family richard. i can feel the pain in you. time heals.

March 30, 2009 at 6:55 AM comment-delete

OH THIS IS SAD!..MY CONDOLENCES CHARD..I COULD SENSE HOW MUCH U AND UR FAMILY GRIEVED..

I AM WONDERING KUNG NAGKASAMA KAYO NG MATAGAL..BUT THATS OK, IIYAK MO LANG SYA, IF U FEEL SO, IT DOES HELP..

IF U NEED A FRIEND TO TALK AND CHAT WITH NANDITO LANG KAMI. OH, RGDS TO UR BRO N SIS..WHO KNOWS MAG EB RIN KAMI DITO LIKE TAYO DATI.

I JUST HAD MY MOST FAVE AUNTIE PASSED 2 WEEKS AGO, N THERE U R..
N STIL HURTS..U REMINDED ME OF THE PAIN..I HOPE FOR YOUR AND UR FAMILSY PEACE AND COMFORT ...

AJ
March 30, 2009 at 7:36 AM comment-delete

lahat naman tayo darating dyan but there's no easy way to deal with losing a parent or any love one. condolences ulit and kust be happy na rin kasi kasama na ni Lord ang daddy mo and for sure he's happy.

Anonymous
March 30, 2009 at 8:08 AM comment-delete

Condolences toy ou Richard. My dad died when I was 9 yeras old, I'm 26 now but I still thought of the difference when he's around.. But then, God has perfect plans for all of us. It's just his time to go. You'll meet him again someday.

God is a great comforter in times like these. God bless!

Anonymous
March 30, 2009 at 10:15 AM comment-delete

Condolences on behalf of W&A.

Although we're strangers, we wish you strength and courage during these times of grief.

Again, condolences.

March 30, 2009 at 12:09 PM comment-delete

richard, i extend my condolences to you and your family. i can feel your pain, naiyak nga ako while reading this post. basta talaga mga daddies ang topic, masyado akong affected.

there must be a reason why it happened. malalaman mo din yun in due time. just be with your mother, ngayong wala na ang dad mo at nasa abroad ang mga kapatid mo, ikaw ang dapat umalalay sa kanya. kaya mo yan. basta't magdasal ka lang kay bro Ü

March 30, 2009 at 3:58 PM comment-delete

Sad to hear... Condolence LionHeart... Hope ur ok...

March 30, 2009 at 7:05 PM comment-delete

Condolence po talaga...
U have somehow awakened me and I believe not only me to treasure the ones we love.

Mabuti yan at naiyak mo na ang lahat, but I know masakit parin yun, learn to accept nalang siguro na ganun ang will ni God,...

I hope the best for you and your family. Ur dad will always be there for you.

March 30, 2009 at 7:23 PM comment-delete

condolence bro.

March 30, 2009 at 9:33 PM comment-delete

hi rich, nung time na nagtext ka, i wasnt able to text bak dahil ala po akong load. hope youre okay po. we will pray for your dad.

March 30, 2009 at 11:48 PM comment-delete

my heartfelt sympathy.

March 31, 2009 at 5:18 AM comment-delete

i am proud of you for being strong. i pray na makarecover kayo agad ng pamilya mo. kaya mo yan.

Anonymous
March 31, 2009 at 5:20 AM comment-delete

hays...

i am so sorry, richard. i give you my condolences...

be strong for your mom. the pain will soon pass, sometimes, sooner than we expect.

God bless you and your family.

March 31, 2009 at 6:30 AM comment-delete

my condolences to you and your family

hope everything are well na.be strong and move on.

March 31, 2009 at 7:57 AM comment-delete

@ Ax : I will... I hope malampasan namin ito.

@ RJ : Yeah, dati-rati kasing pinagdadasal ko ay ang health ng Dad ko e... Now sa Mom ko na ako fofocus.

@ payatot : Tama ka. Ganun talaga. Pero super close ako sa Mommy ko. 'Di problema 'yun.

@ donG : Sana nga... Salamat Kuya DOng.

@ Josh of Arabia : Thanks Kuya AJ. Medyo talagang lutang pa utak ko. Hopefully may magandang mangyari sa pag-iyak iyak ko..

@ Christian Bryan : Sana nga totoo 'yang sinasabi mo.. Super bait kasi ng Daddy ko.

@ Dylan Dimaubusan : Bakit kasi ganun? - 'Yan ang tanong ko ngayon. Kung kelan ako malapit nang matapos, saka pa nangyari ito.

@ Fauxx : Salamat sa iyo kaibigan. 'Yan ang dahilan kung bakit nauuso ang blogging.

March 31, 2009 at 8:00 AM comment-delete

@ Nicely : Affected kaming buong pamilya pero wala kaming magagawa kundi mag let go. Ayan na 'yun e!

@ MarcoPaolo : Thanks Marco!

@ Antoine Greg : 'Yun nga ang mahirap e! Sa dami ng plano pang gagawin this summer for my Dad kaso hindi na niya nahintay.

@ Theonoski : Thanks po...

@ rara : Okey lang Rara. Alam ko naman na anjan ka lang.

@ REDLAN : Thanks Red.

@ prinsesamusang : Salamat! Kakayanin namin ito kahit na mahirap.

@ lucas : Thanks Lucas. I hope gumaling na rin ang tahi ng Mom ko kasi 'yun ang inaalala ko ngayon.

@ Mac Callister : I hope so...

March 31, 2009 at 8:04 AM comment-delete

condolence po. be strong for your mom. im sure your dad will look over for your family.

you and your family will be in my prayers.

March 31, 2009 at 8:08 AM comment-delete

condolence richard..

March 31, 2009 at 6:51 PM comment-delete

condolence.. :(

i know the feeling of losing someone you dearly love. :(

XoXo,
Sae
(Vanny's Guest Author)

Sae
April 2, 2009 at 12:14 AM comment-delete

nabasa ko post mo, nakakaiyak. ramdam ko ang sakit n nrrmdaman mo ngayun, wag kang mg alala kasama n nya ngayun c BRO. your mom needs u, so go and spend your holy week with her. condolence to you and your family.

April 2, 2009 at 8:15 PM comment-delete

condolence bro, masakit talaga mawalan ng minamahal sa buhay, panalangin ko palagi kahit kami mahirap at hirap sa buhay, kahit dina kami magkapera at kahit na dina kami kumain ng 3x a day basta wala lang mawawala,yung alam mong lahat nandyan kahit na magkakahiwalay kayo dahil sa trabaho e alam mong nandyan lang silat naghihintay sayo anytime na umuwi ka, nakikiramay ulit ako sa pamilya mo at sana
palagi mo lang dadalawin o tatawagan ang mother mo,
para di sya manghina at maalala nya palaging dapat pa syang mabuhay ng matagal kasi nandyan kayo na nagmamahal sa kanya

Lee
December 1, 2009 at 2:04 AM comment-delete