Of Blog Break.... Case Presentations... and Seminar in Nursing!

Mahirap talaga ang buhay lalo na’t graduating ka na. This October ako gagraduate at sana lang ay makapag-apply na ako for the board exam at magkaroon talaga ng magandang review. Hindi na nga ako halos nakakapag-update at nakakapag blog walking dito sa Blogosphere dahil sa sobrang dami ng ginagawa. Kung free man ako, sa Facebook naman ako nagbababad sa sobrang pagkaaddict ko sa Restaurant City.

This past few weeks ay naging busy ako sa preparations sa aming Case Presentation at V. Luna Medical Center pati na rin sa Seminar in Nursing. Nagkasabay-sabay ang mga gawang ‘yun in almost a week kaya naman isang linggo rin akong walang tulugan like my other group mates.

Cystolithiasis; Neurogenic Bladder secondary to Spinal Cord Injury T11, T12, L2 secondary to fall ang aming ike-case presentation sa hanap ng aming mga panel. Diagnosis pa lang ng patient naming ay epistaxis (nosebleed) na! Kailangan talaga naming mag-aral for this one kasi nakakahiya naman kapag pumalpak pa kami since last case presentation naming ito dahil gagraduate na kami this October.

Kung effort lang ang pag-uusapan ay papasa na kami dahil sa mga sacrifices na ginawa naming for this case presentations. Mga walang tulugan nights pati na ang magrent ng 2 malaking rooms sa isang hotel at San Andres, Manila para magkasama-sama kaming group sa isang gabi para aralin namin ang case presentation namin.

Good to say na naipasa namin ang aming case presentation (September 12, 2009 : Saturday) with flying colors pa! Syempre, tuwang tuwa ang Clinical Instructor namin at halos paulitin niya ulit kami sa pagpepresent ng case namin. Talagang mahirap ang case presentation pero sa group effort na rin namin ay nalampasan namin ito.

Next naman ay ang aming Seminar in Nursing entitled “Empowering the Mind, Improving Quality of Life Through Spreading Awareness on Colon Cancer”. This time, ako ang head ng Technical Committee pati sa stage design and this time sasayaw ako for the intermission number. Lagare ako sa seminar naming ito.

Syempre, last performance ko na ito with my classmates dahil last semester na namin ito together kaya lahat-lahat na ay gagawin ko. Katuwaan lang naman ito para hindi nila ako makalimutan lalo na sa kakulitan ko.

Our section with Dean Talag, Our adviser - Aaron Teofilo and the speaker Nelda Escueta.

Si Mrs. Nelda A. Escueta RN, ET, MAN ang speaker namin from Philippine General Hospital last September 15, 2009 (Tuesday) from 1:00pm to 4:00pm.

For the program proper - lighting, stage design, mga music at videos na ipeplay ay ako ang naka assign since ako ang head ng Technical Committee naman. Naging okey naman ang program from invocation na ginawa ko ‘yung video slides for Lead Me Lord na kinanta naman ni Federico Magat.

The technical team

Almost 2 hours and a half ang naging time ng speaker para sa Colon Cancer topic and after that ay ipinlay naman ang interview namin sa Dean ng Family Clinic College na si Ma’am Villalon na pinagbigyan kami for the interview despite sa mga busy schedules niya as a dean ng college nila.



The dancers....

At pagkatapos noon ay ang pinakaaabangang intermission number namin na dance na remix ng Love Game, Nobody but you pati na ang Fire. Korean music invasion nga ang aming seminar intermission e! Syempre ang sinayaw namin ay ang Nobody but you ng Wondergirls pati ang Fire. Ala-Wondergirls kami sa intermission na ito with Rupert Arciaga, Marion Tarnate, Jimuel Gomez, Nikki Capili at saka syempre ako. Hehe :)

At the dressing room....Sige... pakapalan na ng mukha!

Nobody, nobody batchu!

Nagtatago ako... sa kahihiyan!

Konting dignidad lang for the day... Hahaha!

Naging maayos naman ang flow ng program hanggang sa matapos. ‘Yung food for the speaker pati na ang mga faculty na umattend ay courtesy by Golden Success Review Center kung saan nagrereview ako ngayon.

‘Yung food naman for our section naman ay kasama sa ambagan namin na niluto ng food committee headed by Anna Riza Magtira. Since hindi pwede sa Paco Park nung time na ‘yun kasi sarado na ay sa labas na lang ng Paco Park kami. Wala nang arte-arte since magkakaklase naman kami at sayang din ang food na hinanda ng food committee.

Mukha raw akong manager ng Yellow Cab dito!

post signature

Lionheart Goes to Manila Zoo!

Marami na pala talaga akong nakaligtaan dito sa Blog ko! Napalampas ko sa schedule ko ang Immerging Influential Blogs of 2009 (nandito ako ng 2007 at 2008). Well, sana medyo maging maganda na ang schedule ko this coming month. Hay...

*******

Kaming tatlo kasama ang mga napakaamong ibon ng Manila Zoo.

Ako, si Nadz at Jesse (mga BFF ko) last week ay nagpunta sa Manila Zoo. Ewan lang namin! Trip trip lang kasi wala kaming pasok that time kasi walang COPAR kapag Saturday... Mga facebook addicts din kami kaya magkakasama lagi.

Nag-GM ako sa lahat ng mga textmates ko na magmaManila Zoo kami at karamihan ng mga reply nila ay : "wala na bang iba kayong mapuntahan?"; "eweness!"; at meron pang, "wala na ba kayong magawa sa buhay?".

Actually, highschool pa ako noon nung last na pumunta ako ng Manila Zoo with my Mom at hindi ako nagpapahalata sa mga kasama ko na excited ako kasi for sure pag-aasaran ako.

Maglalunch na noong pumunta kaya kumain muna kami tapos nagala gala na sa park. After namin kumain ay sumakay naman kami at nagpakapagod sa pagsagwan ng bangka. Hehe! Hesitant pa kami at first kasi baka lumubog kasi malaking tao kaming dalawa ni Jesse pero okey naman at safe.

Sagwan pa!

After ng nakakapagod na pagsagwan at pag-ikot sa tubig doon sa Manila Zoo ay ni-try naman namin ang Kiddie Zoo kung saan pwede talaga kaming lumapit at magpapicture sa mga animals dun!

Nasayahan naman kami kasi nakalapit pa kami at nakapagpapicture kasama ang mga maaamong alaga nila.

Lionheart with the Croc...

Me with the Hornbill...


Question: Anong nakakatakot dito?
Answer : Bridge.... (Hindi ako ha!?) Kasi mukha nang mahuna ang mga kahoy...

Kawawang tortoise...

Well, kahit ano pang amo, niyan, I just hate snakes... Sensya na pero takot talaga ako sa ahas. Hindi ko makayang hawakan talaga siya. 'Yun lang!

Oka Tokat!

post signature

I am Still Alive!


It’s been three months since hindi ako napag-update ng personal blog kong ito eventhough everyday naman ay online ako. I just don’t know. Maybe dumadating talaga sa buhay ng isang blogger ang HIATUS. Ginagamit madalas ng mga bloggers and word na “HIATUS” kung maglileave na sila as a blogger or may pause muna sila sa pag-aupdate ng kanilang mga blog for personal reasons.

Well, wala naman akong ganoong reasons. Maybe busy sa duty or sa studies ko pero may time naman talaga ako at least 3 hours of internet per day especially kapag may research ako or homework. Hindi ko talaga alam, wala lang talaga ako masabi kapag mag-aupdate ako ng blog kong ito.

I AM BACK!

Wala na ako sa Magdalo for the reason that, hindi na sila tumatanggap ng graduating students dahil daw mas priority namin ang studies namin compared sa publications kaya wala na ngayong 3rd year at 4th year students sa publication na ‘yun. Good news naman kasi nag-aapply ako ngayon as editor ng school of nursing newspaper ng school namin na “The Lamp” and hopefully ay matanggap.

I am hoping na maupdate ko ito as often tulad ng dati. I am hoping din na andiyan pa rin ang aking mga blogger friends. Marami akong namiss ditto sa Blogosphere at sana makahabol ako sa kung ano man ang trends ngayon. Hehe!

WHAT’S NEW?

As usual, isa pa rin akong galang nurse at mangyan sa kalunsuran! Marami na rin akong naexplore na mga disco bars at mga lugar ng inuman. When it comes naman sa out of town, zero pa rin since my Calatagan adventure.

Nagtatry na akong magbawas ng pag-iinom ng alak kasi lalo akong tumataba. Ang dami ko pang kumain kaya lahat halos ng mga kaibigan ko from elementary and highschool na makakita sa akin ay namamangha dahil ang taba-taba ko na talaga at mukha na talaga akong tatay ngayon kahit wala pang anak at asawa.

ADDICTED!

Sobrang addict ako ngayon sa Facebook. Katunayan ay kinakarir ko na talaga ang FarmTown, FarmVille at Restaurant City. Ilang beses na akong nalugi sa FarmTown dahil nabulukan ako ng tanim dahil hindi ko naharvest agad sa tamang oras. Pangarap ko naman sa aking “The Mindorenian” sa Restaurant City ay mapapasok sa Gourmet. Sa mga may Facebook account diyan, add naman ninyo ako (kent_richard07@yahoo.com). Lahat halos ng mga quizzes ay sinasagutan ko sa sobrang addict. Hayz!



Hindi lang iyan! Pati movies ay kinarir ko na rin at karamihan sa mga naglabasang movies last month hanggang ngayon ay napanood ko na. Kaya naman pati budget ko ay sirang sira na.


MY LIFE…

Ganun pa rin ang buhay ko ngayon. When it comes to:

LOVE: Naiinlove pa rin at nasasaktan pero ganoon talaga ang buhay. Wala naman talaga akong magagawa dun kasi alam ko na madalas ako rin ang problema. This time, hirap pa rin akong magmove on with my ex.

WITH FRIENDS: Mas naging deeper ang samahan naming ng mga tunay kong kaibigan. May isa akong friend na never ko na talagang iaaccept as friend. Nagkikita kami parati sa school at duty pero wala na lang – gusto ko maging civil na lang or casual kami sa isa’t isa. Though nagsosorry siya sa akin, may mga bagay kasing mahirap nang ibalik lalo na ang tiwala.

My FAMILY: Though wala na ang Daddy ko, life has to move on. Masakit ang pagkawala ng Daddy namin at kailangan naming tanggapin. I am just so happy na kahit papaano ay nakakarecover kaming lahat thinking na nasa heaven na si Daddy. Okey naman ang work ng Kuya ko sa Abu Dhabi at ang Ate ko rin na nasa Dubai naman. Sila ang sumusuporta sa studies ko kasama ng Mommy ko.

To OTHER PEOPLE: Suplado raw ako and for me ay wala na akong magagawa dun. Hehe! Mukha lang talaga akongsupladito pero sobrang bait ko at makulit. I am hoping na marami pa akong makilalang bloggers at maging friends ko na rin forever. Hehe!


post signature